Maliliit na oil players humataw sa rollback

HUMATAW ang mga small player sa ipinatupad na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo Sabado ng umaga.

Epektibo kaninang alas-sais ng umaga ang rollback ng Total Phils. na P2 kada litro sa diesel,  P1.50 sa unleaded gasoline, P1 sa regular gasoline at P1.50 sa lubricant.

Bandang ala-una ng madaling araw naman nang magpatupad ang SeaOil at Unioil ng pagbaba ng presyo ng mga produkto nila.

Ikinatuwa ng mga transport group ang magkakasunod na price rollback ng mga naturang kumpanya ng langis.

Ayon kay Pasang Masda national president Obet Martin, nagpapasalamat sila sa mga kumpanya ng langis dahil dininig ang kanilang panawagan hinggil sa makatarungang pagbaba ng presyo ng krudo.

Binigyang diin nito na malaking tulong sa hanay ng mga tsuper ang rollback at umaasa pang magkakaroon ng susunod na pagtapyas sa presyo ng langis matapos magpataw ng serye ng oil price hike noong mga nakalipas na Linggo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply