Mamatay na lang sila!

HINDI tayo tumitigil sa pagsubaybay sa pagbibigay-limos ni Pnoy sa mga drayber.

Sa huli, na-syak tayo, Suki, sa galit ng nakararaming drayber sa pagiging mabait ni Pnoy.

Alam ba ninyo ang sagot nila sa subsidyo na bininyagan ng mga tsuwariwap ni Pnoy na “Pantawid Pasada?”

Mamatay na lang sila! Syak to det talaga tayo, Suki, sa sagot na ito ng mga swit laber na drayber.

oOo

Nagkuwenta kasi, ang mga drayber kung ano ang epekto ng pagpunta nila sa mga distribusyon senter ng mga “smart card” para sa pantawid pasada.

Halagang P150 ang tatanggapin ng mga traysikel drayber mula sa mga lokal na opisyal. Kinuwenta nila ang pamasahe nila papunta sa city hall o munisipyo at pauwi sa kanilang mga barangay.

Maghapon sila sa pila para kunin ang card at mapababayaan nila ang pamamasada. Pagkatapos ay sapilitan silang magbibigay ng bawndary sa kanilang mga amo at bawndari rin sa kanilang mga misis.

Anak ng tinapa, wala nang matitira sa P150 limos, wala pa silang kita.

Gutom ng pamilya ang kasunod nito.

Kaya ang sagot nila, “Mamatay na lang sila!”

Kitam, Pnoy?

oOo

Ganito rin ang parte ng mga dyipni drayber.

May pambawndari nga sila, hindi naman sila bumiyahe sa isang araw.

Kaya ang P600 na limos sa isang drayber dahil dalawa silang magrelyebo sa iisang dyip, kasunod nito ang malas.

Walang pambawndari kay misis.

Derpor gutom sa pamilya ang karugtong ng P600 na limos o biyaya.

Pnoy, kitam?

Ang gusto ng mga drayber, Suki, ay gawan ng pamahalaan ang sobrang mahal na petrolyo.

Gawan ng paraan na kung layptaym ang expanded value added tax sa langis at oil price hike, dapat layptaym din ang remedyo na pantapat dito. Kitam,  Pnoy?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply