Mambabatas kinukupit pati suweldo ng kanyang staff

MALAKING iskandalo itong natuklasan ng ating matang kuwago sa Remate na isang mambabatas ang kumukupit diumano sa su-weldo ng kanyang sariling staff.

Sa ikinuwento sa ating matang kuwago sa Remate na isang staff ng senador ang pinapapirma sa isang tseke na nagkakahalaga ng PHP 40,000.00 bilang kanyang suweldo subalit tanging sampung libong piso lamang ang natatanggap ng naturang empleyado.

Nakalulungkot naman di ba at ang layo yata ng diperensiya ng kuwenta. Sana ginawa namang kalahati o dalawampung libong piso para hindi lugi ang empleyado nakapapagod yatang pumirma.

In fairnes ang naturang empleyado ay nagtapos ng isang kurso at masipag at maaasahan sa kanilang opisina kung minsan pa nga pinakikinabangan ito ng mga kamag-anak ng kanyang boss.

Yun lang hindi lang natin alam kung ano ang item ng empleyado baka consultant o ibang item pero ang nakapagtataka ang dapat na pinipirmahan niyang tseke ang makukuha niyang buo dapat subalit hindi nangyayari.

Hindi naman maaring sabihin na sariling pera ng mambabatas ang laman ng tseke dahil ito ay Land Bank account at pera mismo ng kapulungan ng kongreso.

Pero hindi natin alam kung batid din ng mambabatas ang naturang sistema o baka ang nakaaalam lamang ay ang kanyang Chief of Staff at Finance officer.

Maging alerto ka sir baka ikaw ang maputukan sa gawaing ito kung wala kang alam.

Ang naturang mambabatas ay mayroong kakaibang koleksyon sa kanyang buhay batay na din sa kanyang deklarasyon sa kanyang Statement of Asset and Liabilities and Network (SALN) kung ikukumpra sa ibang mambabatas.

Nag-aambisyon itong balikan ang kanyang dating puwesto na maging pinuno ng mataas na kapulungan ng kongreso subalit laging bigo dahil sa kawalan ng suporta ng mayorya at mahilig sa letrang GMA.

O kilala niyo na?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply