Mananahi kalaboso sa panghihipo

HIMAS-REHAS ang isang mananahi matapos na ireklamo ng panghihipo ng isang kapaitbahay na ginang sa Navotas, iniulat ngayon, Martes.

Nahaharap sa kasong acts of lasciviousness si Arnel Trajano, 45, at residente ng Masipag St., Tanza, ng nabanggit na lungsod.

Sa reklamo ni Rachel Estrellado, 33, kapitbahay ng suspek, dakong alas-nuwebe kagabi (Lunes, Mayo 30), nasa harap siya ng kanilang bahay nang dumaan ang lasing na si Trajano at walang salitang niyakap ang ginang at hinipuan sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa salaysay ng biktima, nagpapalag umano siya at nang makawala ay agad na nagreklamo sa barangay na naging dahilan upang damputin ang suspek.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply