Manila Mayor Alfredo Lim lilikidahin

NABULGAR ngayong umaga, Mayo 18, ang planong paglikida kay Manila  Mayor Alfredo Lim ng isang puganteng pulis na may kasong panggagahasa sa loob mismo ng Manila Police District nang madakip ito ng kanyang mga kabaro makaraang tumakas sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) at hindi na muling dumalo sa pagdinig ng kaso.

Ayon sa isinagawang follow up investigation ni MPD-General Assignment Section at kasalukuyang Manila City Hall Detachtment  commander P/Chief Inspe Mar Reyes, lumabas na naghahanap ng makukunan o mabibilhan ng dinamita o granada ang suspek na pulis na si PO3 Antonio Bautista na gagamitin umano nito sa planong pag-assassinate kay Mayor Lim base sa mga text messages na nakita sa cell phone nito.

Si Bautista ay pormal na iniharap ni Lim sa Media makaraang maaresto ng grupo ni Reyes sa utos ni MPD Acting Director P/Sr Supt Alex Gutierrez nang personal na himingi ng tulong si Public Attorneys Office chief Percida Acosta sa alkalde nang hindi na ito sumipot sa mga hearing at tuluyang tumakas sa kustodiya ng NBI.

Si Bautista ay ipinagharap ng kasong rape at extortion ng isnag itinago sa pangalang Vanessa, may-aasawa at isang vendor na umanoy dinakip ng suspek sa kasong bagansiya at dinala sa headquarters ng MPD sa UN Avenue  at doon pinagsamantalahan ni Bautista.

Hindi naman nagpakita ng pagkabahala ang alkakde nang mabulgar na may plano na pala sa kanya ang nasabing suspek na tuluyan na ding sinibak sa serbisyo nitong nakalipas na buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply