Manok ni PNoy sa Ombudsman ipinagtanggol ni Drilon

IPINAGTANGGOL ni Sen. Franklin Drilon ang sinasabing “manok” ng Malakanyang para maupo bilang Ombudsman mula sa puna ni dating Ombudsman Aniano Desierto na masyado na itong matanda para sa trabaho.

Ayon kay Drilon, halos kasingtanda lamang niya si Supreme Court Justice Conchita Carpio-Morales kung kayat hindi dapat kinukuwestiyon na matanda na ito para manilbihan bilang Ombudsman.

“I know personally Justice Conchita Carpio-Morales. She is just ahead of me by one year in law school and therefore I do not consider her old. But honestly, she’s very competent, she’s very qualified and she has the respect of the general public,”paliwanag ng 65-anyos na senador.

Binigyang-diin pa nito na ang kailangan ngayon sa Ombudsman ay isang respetadong opisyal upang mabura ang masamang imaheng iniwan ni Merceditas Gutierrez, na umano’y inupuan ang mga kaso laban sa administrasyong Arroyo.

“Remember that the Ombudsman, sa ating lengguwahe, yan ang sumbungan. Kaya kailangan respetado ang nakaupo dun,” paliwanag ni Drilon, na kilalang kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Nilinaw naman ni Sen. Francis “Chiz” Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights at kinatawan ng Senado sa Judicial and Bar Council (JBC), na wala pa silang inirerekomenda sa Pangulo para maging Ombudsman.

Ang JBC ang sumasala sa mga nominado sa puwesto ng Ombudsman bago magsumite ng tatlong pangalan na siyang pagpipilian ng Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply