Manyak na German-Arab national kalaboso

ARESTADO ang isang 38-anyos na German-Arab national matapos na magpakita ito ng kanyang ari sa siyam-na-anyos na batang babae sa San Andres, Maynila, Lunes ng gabi.

Hawak na ngayon ng MPD-Womens and Childrens  Concern Division (MPD-WCCD) ang suspek na si Mahmoud Obid, tubong Syria.

Itinago naman sa pangalang “Jing” ang biktima na anak ng pulis na nakatalaga sa MPD-Station 2.

Ayon kay P/Insp.Anita Aurollo, hepe ng MPD-WCCD, dakong na 12:55 nang madaling araw ng maaresto ang suspek sa Osmeña Sr. Highway Singalong, kung saan ito nagpakita ng ari sa bata habang nilalaro-laro ito.

Sa panayam naman sa pulis na hindi nagpabanggit ng pangalan, nagsumbong ang kanyang anak na si Jing sa lola nito hinggil sa pangmamanyak ni Obid sa bata.

Pilit din umanong ipinapasubo ng suspek ang kanyang ari kay Jing.

Ipinarating naman ng lola ni Jing ang nangyari sa ama nito upang maghain ng reklamo laban sa suspek.

Nabatid din na madalas na hinihimas ng suspek ang mga braso at hita ng biktima.

Samantala, mariin namang itinanggi ng suspek ang akusasayon laban sa kanya at sinabing maluwag lamang ang kanyang suot na short pants.

Nakatakda namang sampahan ng kasong unjust vexation si Obid.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply