Manyakis na holdaper, nagnakaw na, nagbati pa

NABIGO sa pagpaparaos ng isang armadong sex maniac na holdaper sa harapan ng isang dental assistance sa isang dental clinic sa Quezon City makaraan na looban nito at tangayin ang mga pera, alahas at iba pang mamahaling gamit sa nasabing lugar kagabi.

Nakilala ang may-ari ng dental clinic na si Regina Motoc, 44, isang dentista, tubong-Plaridel, Bulacan, ng 6 Juan Ponce St., Barangay Marilag, Proj. 4, Quezon City. Ang ikalawang biktima naman na isang dental assistant ay nakilalang si Erlinda Gaun, 46, ng 391 Upper Javier, Barangay San Juan, Taytay Rizal.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa may Gacis Dental Clinic, 6 Anonas Rd., Barangay Quirino 3A, Project 3 sa pagitan ng 5:30 pm at ala-sais ng gabi.

Lumitaw sa pagsisiyasat, nagpanggap na pasyente ang salarin at nagpagamot sa nasabing dental clinic.

Nang pahigain ng doktora upang tignan ang sumasakit na ngipin, walang sabi-sabing bumunot ng baril ang salarin sabay itinutok sa mga biktima.

Ayon kay PO3 Noel Laguador ng Quezon City Police Station 9, pinadapa ng salarin ang dental assistant sa sahig sabay itinali ng isang plastic straw ang mga kamay ng biktima at sinimulang ilagay sa isang plastic bag ang mga mamahaling bagay sa loob ng klinika.

Ayon kay Erlinda, nang padapain siya ay bahagyang lumabas ang kanyang boobs dahilan upang mapansin ito ng salarin habang sa kabilang banda naman ay pagkagulat at takot ang nararamdaman ni doktora sa mga nagaganap.

Dahil dito, lumapit ang salarin, inilabas ang kanyang ari at sinimulan nito ang pagbabati habang patuloy ito sa pagsasalita ng malalaswang kataga sa harapan ni Erlinda.

Nahinto lamang ang makamundong gawain ng salarin nang mag-ring ang cellphone ni Erlinda kung saan mabilis itong tumalilis bitbit ang baril at ang mga nakulimbat.

Nakuha ng maniac na holdaper sa mga biktima ang US$300, P4,000 cash, BDO postdated check na nasa pangalan ng isang Milagros Chua, apat na unit ng Nokia 6900 cellphone, PLDT wireless landline, Seiko diamond watch, dalawang sets ng jewelries, dalawang pirasong diamond earings, necklace at bracelet.

Patuloy naman ang pulisya sa isinasagwang imbestigasyon upang matukoy ang pinagtataguan ng maniac na holdaper.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply