Mapatumba si Pacquiao ultimate goal ni Mosley

‘GIVE me Pacquiao or give me my retirement benefits!’

Ito matapang na pahayag ni Sugar Shane Mosley sa kanyang pagharap sa media people apat na araw bago ang kanilang laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, Nevada.

Ibinuko rin ni Mosley na ang kanyang  ultimate goal bago tuluyang talikuran ang ring ay ang maipalasap kay Pacquiao ang kanyang ginawa noon sa kanyang kalaban na si Greg Puente, kanyang pinatulog sa 5th round sa  kanilang bakbakan noong Pebrero 11, 1993 sa Hollywood, California.

“My ultimate goal is to fight Pacquiao before I retire,” pagdedeklara pa ni Mosley, 39, may naitalang 53 professional fights (46 wins, six losses, 1draw at 39 disposals).

Malakas ang loob ni Mosley na magbitiw ng salita dahil aniya kung si Antonio Margarito ay kanyang napatumba sa 9th round ng kanilang laban noong Enero 24, 2009, si Pacman pa kaya na mas matangkad siya at mas mahaba ang mga galamay.

“I look at the Margarito fight and he landed the most punches ever on Pacquiao but Margarito couldn’t land those punches on me. If Margarito could hit Pacquiao, then I know that Pacquiao isn’t too fast for me.”

Ang Golden Boy ang dating promoter ni Mosley  kung saan una siyang inilaban kay Floyd Mayweather Jr. noong Mayo 1, 2010 kanyang naitala ang ika-anim na talo via 12-round unanimous decision.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply