Mapayapang school opening sisiguruhin ng DepEd

SINIGURO ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na magiging tahimik, mapayapa at maayos ang pagbubukas ng klase sa Hunyo 6 matapos na buksan nila ang kanilang hotline na maaaring tawagan ng publiko sakaling mayroong aberya.

Nagtayo rin ng command center ang DepEd sa kanilang headquarters sa Pasig City na maaaring puntahan ng mga magulang at mag-aaral para magreklamo sa ano mang darating na problema sa kanila hinggil sa class opening ng year 2011-2012.

Sa ipinalabas na advisory ng DepEd, sinasabing mula sa Mayo 30 hanggang Hunyo 11 mula sa alas 7:00 ng umaga hanggang ala 6:00 ng gabi ay bukas ang kanilang mga hotline at command center.

Maaari umanong magreklamo ang sino man na nakaranas ng hindi makataong pagtrato sa kanila ng mga guro, principal at iba pang school official hinggil sa ginaganap na enrollment.

Ayon pa sa kagawaran, maging ang  paniningil sa mga estudyante ng ano man bayarin ay maaari ring ireklamo sa DepEd hotline at command center.

Ang mga mayroong problema ay maaaring tumawag sa mga sumusunod na telepono 636-1663, 633-1942, 634-0222, 636-4880, 635-0552, 637-4211,  635-6550, 638-7529, 635-9817, 638-7530, 637-3743 o kaya’y ang 24 na oras na DepEd Text Messaging Service: 0919-4560027. Jhie Convocar

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply