Mar walang puwang sa Gabinete – Joker

MAHIGPIT na tinutulan ni Sen. Joker Arroyo ang pagtatalaga kay dating Sen. Mar Roxas bilang chief of staff sa Palasyo dahil lalabagin nito ang Administrative Code of 1987 na tumutukoy sa executive secretary bilang puno ng Office of the President.

Sa ipinalabas na kalatas, sinabi ni Arroyo na kung lilikha ng panibagong posisyon si Pangulong Aquino tulad ng chief of staff na hiwalay sa Executive Secretary, magkaroon lamang ng kalituhan at pandemonium sa Malacanang.

“To begin with, there is no such office created by law,” giit ni Arroyo.

Ipinaliwanag pa ni Arroyo na ginaya ng Pilipinas ang government structure ng US na walang executive secretary ngunit may White House chief of staff na siyang sumasaklaw sa tungkulin ng executive secretary na siyang may kapangyarihan  ng isang US chief of staff.

“Creating such an office would only create a power struggle in Malacanang between the executive secretary  and the chief of staff over the same turf which we can ill afford.” paliwanag ni Arroyo na dating Executive Secretary ni yumaong Pangulong  Corazon Aquino.

Kaya, hiniling ni Arroyo kay Pangulong Aquino na mamili na lamang kina Roxas at kasalukuyang executive secretary Jojo Ochoa upang matigil ang espekulasyon na nagkakaroon ng matinding banggaan sa Palasyo.

“There is no room for a Chief of Staff in the Philippines and historically, such an office has never been created or experimented because we have already an executive secretary,” giit ni Arroyo.

Hinikayat din ni Arroyo si Pangulong Aquino na kung talagang gusto nito si Roxas sa Gabinete, mas makabubuting ilipat na lamang ng tanggapan si Ochoa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply