Mar

PWEDE na ma-appoint ang mga talunang kandidato sa mga pwesto at posisyon sa gobyerno.

Na-lift na kasi ang one year ban na hindi pwede mailuklok sa kahit anong pwesto sa pamahalaan ang mga tumakbo pero mga natalong kandidato sa kahit anong posisyon noong nakaraang eleksyon ng taong 2010. Pwede na pumasok si Mar Roxas sa picture at kamakailan nga ay ginawan na sya ng pwesto at sya daw ang magiging Presidential Chief of Staff ng administrasyon ni Pangulong Aquino.

May mga nagtatanong kung ano ang magiging trabaho ni Mar at ano ang magiging kaibahan nito sa trabaho at responsibilidad naman ng tinaguriang “little president” na si Executive Secretary Jojo Ochoa.

Iba-iba ang reaksyon sa pagpasok ulit ni dating Senador Mar Roxas sa eksena. Nagbabayad na daw ng utang pulitika si PNoy, usapan na daw ito noon pa at hinintay lang talaga ang pag-lift ng ban para maipwesto na si Mar. May tumaas man ang kilay, may mga kumontra man, mataas pa rin ang ekspektasyon ng marami sa pagpasok ni Mar na may responsibilidad na mukhang malaki at mahalaga kung sa tunog pa lang pakikinggan. Ang tanong ng marami, makakatulong ba si Mar Roxas o makakagulo lang lalo sa sinasabing magulo na, at maraming awayan sa loob, na administrasyon in PNoy. Ano sa palagay nyo?

***

Gusto kong magpasalamat sa kaibigan kong Councilor Edcel Lagman na kasama ko sa pag-turn over ng proyekto na two-storey health center namin sa barangay Krus na Ligas, QC.

Marami pa po tayong mga proyekto na tinatapos para i-turn over sa QC. Salamat din kay Kap. Jolly Santos at mga kagawad nya at sa lahat ng mga taga Krus na Ligas. Proyekto nyo ito.

Proyekto ng mga taga-QC na ako lang ang nag-implement para sa kalusugan ng mga taga barangay sa lungsod ng Quezon.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong salobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply