Maralitang estudyante may dagdag na diskwento

PINAMAMADALI na ni Aurora Rep. Juan Edgardo Angara ang pagsasabatas ng panukalang magpapalawig pa sa mga ibinibigay na diskwento sa mga mahihirap na estudyante sa kolehiyo at vocational bago magbukas ang klase sa Hunyo.

Sa ilalim ng panukala, ang mga underprivileged technical-vocational at college student ay puwedeng makinabang sa 5% discount sa mga food establishment tulad ng food chains, canteens at restaurants; 5% discount sa medisina mula sa mga botika; 5% discount sa libro at iba pang school supplies sa buong bansa; at 5% discount sa matrikula, miscellaneous at iba pang bayarin sa eskuwelahan.

Ito ay sa harap ng walang humpay na pagsipa ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.

Ayon kay Angara, na chairman din ng House committee on higher education, naaprubahan na sa komite ang substitute bill para sa House Bill 1504 o ang  An Act Providing Discounts to Underprivileged College Students on Basic Education Services, na layong tiyakin na maaabot ng mga mahihirap ang de-kalidad na uri ng edukasyon.

“If it is inevitable that tuition fees should be raised, I think that the next best thing that we can do is to provide our poor students bigger discounts so that they will not be forced to stay out of school,” diin ni Angara.

Ang panukala ay tinatawag ding Underprivileged Post-Secondary and Tertiary Students’ Discount Act.

Target ng mambabatas na maibsan ang pasaning pinansyal ng mga estudyante sa kolehiyo, hindi lamang sa kanilang pamasahe kundi sa mga pangunahing pangangailangan at pagkakagastusan sa pag-aaral.

“We want to lessen their burden as they strive hard to pull themselves out of poverty. We want to give them the best fighting chance for them to finish their studies and finally secure a gainful employment not only to help themselves but their family as well,” dagdag ni Angara.

At upang hindi naman malugi ang mga establisyimentong magbibigay ng diskuwento sa mga estudyante, babawasan naman ang ipinapataw na income tax sa kanilang kabuuang kita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply