Maralitang Pinoy prayoridad na mabigyan ng kabuhayan

PAGBIBIGAY ng trabaho sa mga mahihirap na Filipino ang binibigyan ng importansya sa pinagdedebatehang panukalang batas na “Magna Carta of the Poor” sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Isinasaad sa panukalang batas na hindi bababa sa 30 porsiyento ng mga skilled worker sa mga private contractor at subcontractor na gumagawa ng national at local public works projects ang mararalitang dapat mabigyan ng trabaho.

Ito ay sa dahilang ang mga proyektong nabanggit ay pinopondohan ng gobyerno, pambansa man o lokal.

Ang pagbibigay trabaho sa mga mahihirap na sektor ng lipunan ay kabilang lamang sa ipinapatupad ng conditional cash transfer (CCT) at oil subsidy.

Ninanais ng administrasyong Aquino na maiangat ang antas at kalidad ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagkakaloob sa kanila ng mga oportunidad na pagkakakitaan.

Target ng House Bill 4484 ang paglikha ng maraming trabaho at livelihood projects kung saan magmumula muna ang tulong pinansyal sa pamahalaan hanggang sa unti-unting matugunan ng mga tao ang kanilang pangangailangan.

Ayon kay Cebu City Rep. Rachel del Mar, ang nasabing panukalang batas ay nagbibigay proteksyon at nagsusulong ng mga pangunahing pribelihiyo ng mga mahihirap na isama ang karapatan sa pagkain, trabaho, kabuhayan, kalidad ng edukasyon, maayos na tirahan, serbisyo sa kalusugan at gamot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply