Marami ang na-shock sa movie nina Angel at Aga

SPEAKING of ending, napaka-dramatic, suspense at tragic ng ending ng “In The Name of Love”. Sa totoo lang, sa last 30 minutes ng pelikula, mapapa-hold-your-breath ka, ‘ika nga  dahil  hindi mo alam kung sino ang  magbubuwis ng buhay o ano ang mangyayari sa mga bida.

In fairness, sa sinasabi naming last 30 minutes, napakatahimik ng Cinema 10 ng SM Megamall kahit pa umaapaw ang tao sa sobrang dami ng  pinapasok. Lahat ay ayaw munang mag-text, sumubo ng popcorn at kausapin ang katabi dahil  ang ganda-danda ng execution sa bandang huli ni direk Olive Lamasan. Kung paano niya nagawa ito, ito’y dahil sa pakikipagkutsabahan sa screenpaly-writer ng ITNOL na si Enrico Santos.

Walang eksenang itatapon maging yong kay Ryan Eigenmann, Carmi Martin, of  course, Jake Cuenca, Angel Locsin and Aga Muhlach.

Bongga ang movie at hindi mo ikakahiyang irekomenda sa mga kaibigan. Hindi ka rin manghihinayang sa halagang ibabayad sa sinehan dahil ang katumbas nito’y isang klasikong alalaa, isang pelikulang  pinaghirapan at pinag-isipan.

Rated B my CEB at showing na sa over 100 theaters nationwide.

***

Dahil sa pagiging successful sa buhay, sa mga naipundar at pagtulong sa mga mahal sa buhay, andaming gustong tularan ang binabagtas na buhay-kapalaran ni POkwang. Isa siyang  ehemplo sa mga kapuwa-artista o komedyana na ang iba’y hindi nakapag-ipon noong namamayagpag pa ang kanilang career. Marami diyan na nagsisisi sa bandang huli at napakarami kung iisa-isahin natin.

“Sa totoo lang, hangga’t may mga nagtitiwala pa sa atin at hangga’t may mga ginagawa pa tayo dapat matuto tayong mag-ipon.  Hangga’t mainit tayo at may mga dumating tayong mga blessings, magtira tayo ng para sa atin.

“Kumbaga, di mo lang alam, pag naipon na lahat, magugulat ka lang malaki na pala. Hindi dapat tayong masilaw sa mga bagay bagay at ‘wag mainggit sa anumang meron ang mga nasa paligid natin.

“Wag din tayong mag invest sa mga sasakyan, kasi pag labas ng kasa, mumura na yan.

“Ang isipin natin ay yung mga bagay na balang araw mapakinabangan natin. Kumbaga, sa panahong wala ng kumukuha sa atin at dina tayo pwedeng tumanggap ng mga projects may mga natitira tayong maari nating magamit hanggang sa katapusan natin dito sa mundo,”sey pa ng nag-iisang Pokwang.

***

Sa pagpapatuloy ng aming kuwentuhan,  Ikinuwento pa niya na balak niyang magpatayo ng isang restaurant pero kailangang pauwiin daw niya muna ‘yung kapatid niyang nasa Dubai na ayon pa sa kanya ay isang magaling na “cook”

“Sabi ko sa kuya ko na, umuwi na siya rito at magtayo kami ng restaurant. Wala namang nangyari diyan sa kanila sa Dubai. Tama ba namang ako pa ang nagpapadala ng pera sa kanila, Tatawag yan sa akin para manghiram ang huli nga eh 2,000 dollars.

“Sabi ko ano pa ang ginagawa n’yo riyan. Sabi ko umuwi na lang siya rito at magnegosyo na lang kami.

“Tatapusin na lang daw niya ang kontrata niya then saka na siya uuwi.”Natatawa pang kuwento ng komedyana na ngayo’y bidang-bida na sa kaniyang pagbabalik-noontime via Happy,Yipee,Yehey!

***

Sa Ynares Sports CEnter,Antipolo gaganapin ang  3rd Season Grand Finals ng Showtime sa darating na Sabado, May 14. Eleven finalists ang maglalaban-laban  at ang pang-11 ay ang susuwerteheng grupo na mananalo sa wild card this Friday. P2-M ang mapapanalunan ng  grand winner, P1-M sa grupo at P1-M  din sa kanilang niri-represent na barangay.

Santambak ang guests at jurors sa araw na ito dahil  darating ang mga  past jurors like, Zsa Zsa Padilla, Maribeth Bichara, Ryan Bangs, Jhong Hilario, Georgina Wilson, at marami pang iba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply