Marami ang nanghihinayang sa handa ni Sen. Bong at Cong. Lani

HINAYANG na hinayang ang iba nating friendship na naimbitahan sa ika-25th renewal of vows nina Senator Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado na ginanap sa Harbour Tent, Sofitel sa CCP Complex dahil sa mga pagkaing natira at sa mga give-aways na hindi lahat naipamudmod.
Kung susumain, halos kalahati raw sa mga bisita ang hindi nakarating dahil sa unpredictable weather na nu’ng gabing ‘yun ay umaambon-ambon at any moment ay puwedeng bumuhos ang napakalakas na ulan.
May kalayuan din ang lugar para sa mga taong wala namang sasakyan katulad ng mga kapatid natin sa panulat. Kailangang mag-taxi para makarating sa lugar.
May isang movie scribe daw ang nahiwagaan sa mga pagkaing inihanda sa mesa. Actually, gatecrasher lang s’ya. Nakapasok lang siya dahil sa isang kaibigan n’ya na lumabas pa sa bulwagan para lamang i-rescue siya sa mga mapanuring jaguar na todo higpit sa pagbabantay.
Aba’y naghanap pa ang loko ng toyo, tinapa o bagoong. Mas mate-take pa raw niya iyon kasi knows niya kung anong klaseng pagkain ang isusubo niya sa kanyang malaking vivig.
Eh, ang nasa harap niya ay mga pagkaing first time lang sa kanyang paningin at panlasa. Kaya hayun, pag-uwi ng bahay pagkain pa rin ang kanyang hinanap. Hehehe!
Well, sadyang may mga kakaibang putahe raw sa naturang handaan para makalafanggetch ang mga bisitang foreigner.
Ganun?
Congratulation nga pala kina Sen. Bong at Cong. Lani sa kanilang silver wedding anniversary at sa pag-renew ng kanilang kontrata sa matrimonya ng kanilang kasal.
Sana sa kanilang golden annivesary, makatikim ang mga bisita ng tulya at talaba galing Cavite. Hahahaha!

***
Pinalalaki ang problemang panloob ng Happy, Yipee, Yehey! ng mga kabig ni Willie Revillame. Sinuntok daw ni John EStrada ang floor manager ng show.
Kaya nga ang sabi pa ng tropa ni Willie Yabang, mas oks pa raw ang boss nila kung ikukumpara kay John dahil nananakit ito, samantalang itong una ay puro dakdak lang.
Naku! Hilamusan mo na kami ng suntok huwag lang ang mga salitang di malunok.
Ganyan si Willie di ba? Pag nagsalita ito akala mo kung sinong hari. Pati pagkatao ng isang indibidwal ay kanyang nayuyurakan kapag dumakdak na.
‘Yang suntok, isang sakitan lang ‘yan, tol, pero ang paliguan ka ng masasakit na salita, tagos ‘yan hanggang buto’t kaluluwa ng isang tao.
Alam n’yo ba ‘yan, mga tagapagtanggol ni Willie?
Kaya ingat kayo, dahil kapag nainis sa kabibigay sa inyo ang bossing n’yo baka makatikim din kayo ng espesyal na sermon nito.
Beware mga kapatid!

***
Sa sobrang pagka-successful ng pelikulang In The Name of Love pati ang bidang si Aga Muhlach ay natuturete ngayon sa pagka-busy dahil kailangan niyang pumunta  sa ibang bansa para suportahan at antabayan ang pagpapalabas ng pelikula nila roon.
Ang tanong lang namin, hindi kaya may pagsisising nararamdaman ngayon si Aga sa kanyang naging desisyon na lumipat sa TV5?
Aba’y itong naging tagumpay niya sa ABS CBN partikular sa Star Cinema, I doubt it kung kayang maibigay sa kanya ito ng Singko.

***
Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cellphone nos. 09324701434 at sa 09351851227. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. sa kuya_abepaul@yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply