Maraming pasahero stranded dahil sa bagyo

STRANDED ang may  1,000  pasahero  sa ibat-ibang pantalan sa Bicol Region at Cebu matapos na hindi payagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na makapag-layag ang mga motorized banca at mga barkong may 1,000 gross tonnage pababa nang itaas ang public storm signal 1 dahil sa bagyong si Bebeng.

Ito ang nabatid sa ulat ni  Lt. Commander Algier Ricafrente, Spokesman ng PCG, pinakamaraming bilang ng mga stranded na pasahero ay sa Matnog, Sorsogon na nasa 784, sinundan ng Pilar na may 150 at Bulan na may  116 pasahero.

Sa report ng PCG may 25 pasahero din ang naantala sa pantalan ng Taaco Albay, 10 sa Victory  at Pio Duran naman ay 65 at sa Camarines Sur sa Bayan ng Pasacao naman ay nasa 52 ang stranded, samantalang  sa Sabang ay aabot naman sa 135.

May 37 naman sa San Andres sa Catanduanes ang stranded habang sa Danao Cebu ay nasa 50 ang stranded na pasahero at 10 rolling cargoes.

Base pa rin sa ulat ng PCG ang mga pantalan ng Bicol, ay aabot sa 15 barko, 9 na motorized banca, 22 pampasaherong bus, 19 na kotse at 44 na trucks naman ang pawang mga stranded dahil sa nasabing bagyo. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply