Marcos ipinasisibak ni PNoy sa komite

UMUUGONG ngayon sa Senado na “galit na galit” na si Pangulong Benigno Aquino III sa Senate committee on local governments dahil namimintong maibasura ang pagpapaliban sa halalan ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM) na kauna-unahang certified bill ng Palasyo.

Ngunit, kaagad pinabulaanan ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III ang “paratang” bagkus nag-iisip na umano ng pamamaraan ang mayorya sa Senado kung anong estratehiya ang gagawin upang pag-usapan ang panukala kahit salungat ang committee report.

Ipinahiwatig ni Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na malamang maibasura ang panukala ng Palasyo dahil bukod sa kapos sa panahon, maraming opisyal, mamamayan at grupo sa ARMM ang tumututol sa pagpaliban ng halalan.

Ayon kay Marcos, walang pangangailangan kung ipasisibak siya ng Palasyo bilang chairman ng Senate committee on local governments na siyang katwiran din ni Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil ginagawa lamang ng senador ang kanyang tungkulin.

Umugong sa Senado na gusto nang palitan ni Pangulong Aquino si Marcos bilang chairman ng naturang komite dahil sa halip na sumang-ayon ang deliberasyon at pagdinig sa panukalang ipagpaliban ang halalan sa ARMM, mas lumawak ang komokontra sa Palasyo.

Sinabi ni Marcos na kung may pinagagalitan si Pangulong Aquino sa isa sa mga “bata” nito na nagsusulong ng postponement ng ARMM election, hindi niya maaaring palitan ang nakuhang sentimiyento ng mamamayan sa lugar.

Dahil dito, sinabi ni Marcos na bibigyan pa niya na isa pa at huling pagdinig ang panukala upang kunin ang pananaw ng ilang matataas na opisyal ng administrasyon tulad ng Department of Interior and Local Government, Presidential Adviser on Peace Process at Commission on Elections hinggil dito.

“Well, let’s give the last hearing a chance, last one, tapos na yan mga Tuesday. And after that, that’s it,” ayon kay Marcos.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Sotto na walang plano ang liderato ng Senado na palitan si Marcos bilang chairman ng naturang komite, bagkus iginagalang nila ang desisyon at opinyon sa anumang panukalang batas na nakahain sa kanyang komite.

Walang nagsasabing papalitan si Sen. Marcos. Ngayon ko lang narinig yan eh.  Pinag-uusapan namin kahapon kung anong strategy na gagawin upang mapag-usapan ang bill na kahit na adverse ang committee report,” ayon kay Sotto.

Plano na mayorya na hayaan na lamang maibasura ang panukala dahil salungat ang resulta ng committee report saka na lamang maghahain ng motion to recall ng bill upang muling pag-usapan ang panukala na idedepensa naman ng pangunahing proponent.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply