Marian nalaglag sa no. 1 position sa FHM dahil nega!

WALA na, hindi na numero uno si Marian Rivera sa unofficial tally ng FHM 100 Sexiest Women.

Matapos manguna ng ilang linggo, finally dislodged na ang girlfriend ni Dingdong Dantes.

Si Sam Pinto ang nasa unahan ng listahan at si Angel Locsin ang numero dos. Medyo malapit lang ang disparity ng first at second pero malayo sa third spot si Marianita ek.

But this is unofficial yet dahil may ilang bilangan pang magaganap pero marami ang nagsasabing hindi talaga deserving si Marian na manalo dahil higit na sexy sa kanya (at mas fresh daw dahil mga bata pa, si Marian ay gurang na, ang iba pang nasa top ten ng list, especially Sam Pinto na siyang tumatayong icon ng kaseksihan ngayong mga panahong ito). Si Angel Locsin na pumapangalawa at baka raw sa bandang huli ay ito muli ang tanghaling number one sexiest women.

Narito ang nasa top ten ng unofficial tally sa FHM: 1. Sam Pinto; 2. Angel Locsin; 3. Marian Rivera; 4. Cristine Reyes; 5. Solenn Heusaff; 6. Valerie Concepcion; 7. Jennylyn Mercado; 8. Ellen Adarna; 9. Lovi Poe; 10. Katrina Halili.

And speaking of Dingdong Dantes, panay ang tanggol niya kay Marian sa maraming isyung kinasasangkutan nito lately. Napakasuwerte talaga ng malditang aktres to have a boyfriend like Dingdong na supportive all the way.

As we all know, Marian is heading the cast of “Amaya” at ayon sa sabi-sabi, super sexy daw ito and in fact, Marianita is going topless.

Is Dingdong worried na sobra naman yata ang gagawing pagpapa-sexy ng kanyang dear girlfriend?  “I’m not worried as I know this will be shown on television so it’ll never go beyond the bounds of decency,” sabi pa niya. “I trust their director, Mac Alejandre, at hindi naman sex film ang ginagawa nila. Pero sexy naman talaga si Marian so walang masamang magpa-sexy man siya.”

Nagsabi rin si Dong ng kanyang piece tungkol sa pambabatok diumano ni Marian sa ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. “Andami kong tinanong if they saw it, pero walang nakakita. But if it were true, Marian would never do it to someone na wala silang level of closeness and she’s not comfortable with it, kasi part yun ng lambing niya, e. She’s really the jolly, palabiro type so I don’t think she meant anything bad. Parang sign of endearment yun for her. Hindi ko masisisi yung iba kundi nila ito naiintindihan. Basta ang importante, okay sila ni Manny Pacquiao.”

Heto naman yung sinabi niya tungkol sa di umano ay pagiging insecure ni Marian kay Venus Raj.

“Kawawa nga si Marian dahil naninira na naman ang haters niya. Sinabi raw niya sa Boracay na pangit si Venus Raj, which is not true kasi we were never in Boracay noong Holy Week. Nasa Singapore kami. When Venus guested in “Show Me Da Manny,” she even told me na hanga siya sa beauty ni Venus who just represented our country then sa Miss Universe.”

So there!

***

Vice Ganda ‘di kaya langawin lang sa bagong TV show at sa concert sa Araneta?

THE way we look at it, kay Vice Ganda ibinigay yung kung anik-anik na format ng dating show ni Sharon Cuneta sa ABS. Sa mga nababasa namin, this would deal about chatting with guests, kantahan at iba pang kabalbalan.

O well, tama lang siguro ang ganitong format kay Vice Ganda pero di kaya ma-turn off sa kanya ang publiko dahil nga tiyak na masasapawan niya’ng mga guests niya when it comes to talking? We are not saying na sobrang husay ni Vice at di rin namin sinasabing may sense ang kanyang mga sasabihin, it’s just that we feel na bungangera si Vice na puwede ngang ika-off ng kanyang mga celebrity guests.

Anyway, di pumatok sa panahon ni Sharon Cuneta ang ganyang klase ng format, kay Vice pa kaya na hindi naman talaga well loved sa television?

At the most, tiyak na lalangawin at iipisin lang ang nilumang konsepto ng kabaduyang mala-comedy bar na tema.

At yung ipinagyayabang na concert daw sa Araneta.  Kaya ba niyang punuin ang ganun kalaking venue?

Teka, may ningning pa ba’ng algang ito ni Ogie Diaz?

He was just a novelty at kupas na siya ngayon.

Period, walang comma!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply