Marquez-Pacquiao fight tuloy

WALA nang makapipigil sa magiging bakbakan nina 8-division world champion Manny Pacquiao at WBA/WBO lightweight champion Juan Manuel Marquez makaraang itakda ito sa Setyembre kasabay nang pagsisimula ng training ng Pambansang Kamao.

Mismong si Pacquiao ang nagkumpirma sa magiging laban nila ng Mexican warrior.

Una nang pumirma si Marquez sa fight contract na inalok sa kanya ng Top Rank Promotion noong Mayo 19.

Batay sa kontratang napagkasunduan, gagawin ang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa Nobyembre 12, kung saan $5 million ang naghihintay na guaranteed purse ng Mexican warrior.

Maglalaban sina Pacquiao at Marquez sa catchweight na 144-pound.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply