Mastermind ni Garcia hubaran ng maskara

HINDI dapat magtapos sa paghahabol sa plea bargaining agreement ni dating AFP comptroller Major Gen. Carlos Garcia ang kampanya ng administrasyon laban sa katiwalian, bagkus dapat hubaran ang mas malaking isda o mastermind sa likod ng pabaon system.

Ganito ang pananaw ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano saka hinamon ang administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na tugisin ang lahat ng mas malalaking isda sa likod ni Garcia sa paniniwala hindi makakagalaw ang heneral nang walang basbas sa “itaas.”

Ikinatuwiran ni Cayetano na kung palagi na lamang papayagan ng gobyerno ang pangyayari kay Garcia, at hindi mahuhuli ang mastermind sa likod ng pandarambong ng heneral sa AFP, naghahatid tayo ng isang malaking mensahe sa publiko na hindi bawal magnakaw.

“As I said, nagiging litmus test  ‘to eh.  ang nangyayari dito ay, assuming guilty si General Garcia, ‘pag siya ay napakulong, it sends a loud message na bawal magnakaw sa Pilipinas.  ‘Pag siya’y hindi nakulong at kung matutuloy ang plea bargaining, it sends a loud message na sa Pilipinas bawal magnakaw ng konti, pero pag nagnakaw ka ng malaki, ay maraming paraan para isauli mo yung kalahati o isauli mo yung 1/3, makakawala ka,” paliwanag ni Cayetano.

Aniya, isang malaking hamon sa administrasyon ang kaso ni Garcia kaya’t nararapat nang sumisid nang malalim ang mga legal expert sa Palasyo upang himayin ang batas kung paano mahahabol kung sinuman ang nasa likod ng pandarambong ng dating heneral.

Naniniwala rin si Cayetano na kung sakaling maibasura ng Supreme Court ang plea bargaining agreement na pinasok ng Office of the Ombudsman kay Garcia, at gawin siyang (Garcia) state witness, mahahabol ng administrasyon ang utak ng nakawan sa AFP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply