Matandang bading natagpuang patay

ISANG 59-anyos beauty salon owner ang natagpuang patay sa kanyang parlor sa Sampaloc, Manila nitong Sabado ng gabi, Mayo 21.

Nakilala ang biktimang si Felix Sagarino, matandang binata, nagmamay-ari ng Hairrific Salon sa 1037 Lerma st. sa panulukan ng P. Paredez sa Sampaloc.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 11:00 ng gabi nang matagpuang patay ang biktima ng kanyang kamag-anak na si Eva dela Rama, 29, na kasamahan nito sa nasabing beauty parlor.

Nabatid sa salaysay ni dela Rama na nakita na lamang nito na nakahandusay ang biktima at nadiskubreng nagdurugo ang ilong ng nasabing matanda.

Ipinalagay ng pulisya na may matinding sakit si Sagarino at inatake lamang ito. Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay upang malaman kung ano ang naging sanhi ng kamatayan nito. Rene Crisostomo

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply