Mavericks 3-0 na vs Lakers

DESIDIDONG tapusin ng Dallas Mavericks ang kanilang Western Conference semifinal series laban sa two-time defending champion Los Angeles Lakers matapos itarak ang 3-0 bentahe sa bisa ng 98-92 panalo sa nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association (NBA) playoffs.

Kumana si Mavs star player Dirk Nowitzki ng 32 puntos, nine rebounds at one assist upang mabingit ang Lakers sa pagbitaw sa titulong hinahawakan.

Naghahabol ng pitong puntos ang Mavericks may 5:05 na minuto pa ang nalalabi sa final canto subalit inumpisahan ni Nowitzki ang paghabol sa kanyang three-point basket na gumising sa kanyang mga kakampi.

Dumagdag ng puntos para sa Dallas sina Jason Terry na gumawa ng 23 puntos, tatlong boards at dalawang assists at Peja Stojakovic na tumira ng 11 sa kanyang 15 puntos sa fourth quarter.

Si center Andrew Bynum ang nanguna sa opensa ng Lakers sa kinamadang 21 puntos na sinundan ni Lamar Odom na may 18 puntos habang 17 points lamang ang nai-ambag ni Kobe Bryant.

Samantala, tumikada ng career-high 44 points si Derrick Rose upang dalhin ang Chicago Bulls sa panalo laban sa Atlanta Hawks, 99-82.

“Derrick was in attack mode, obviously,” ani Bulls coach Tom Thibodeau. “He was attacking from the start. We needed it to set the tone. When he’s not dancing with the ball and he’s attacking, he’s impossible to stop.”

Angat ang Bulls ng 2-1 sa kanilang Eastern Conference semifinal best-of-seven series. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply