Mavericks nakuryente sa Thunders

SINAGIP nina Kevin Durant at James Harden ang Oklahoma City Thunders para sa posibleng 0-2 serye laban sa Dallas Mavericks.

Kahapon ay nagtulong sina Durant at Harden sa opensa ng Thunders upang talunin ang Mavericks, 106-100 upang itabla ang serye sa 1-1 sa nagaganap na 2010-’11 National Basketball Association, (NBA) Western Conference final.

Nahirapan ang Mavs na bantayan si Durant subalit si Harden na galing sa bench ang kumana ng big baskets lalo na sa clutch time.

“They’ve been playing hard all year for us and this was another example,” patungkol ni Durant sa kanyang kakampi.

Nakapagsalpak si Durant ng 24 puntos, apat na assists at tatlong rebounds habang 23pts. seven boards at four assists ang ginawa ni Harden upang mapalakas ang tsansang makuha ang titulo sa kanilang best-of-seven WC final.

Tumulong din ng 18 points, at tig-apat na rebounds at assists si Russell Westbrook na hindi naglaro sa clutch time para sa Thunders habang si bench player Eric Maynor ay nakapag-ambag ng 13 puntos, dalawang rebounds at isang assist.

“I was surprised but Eric was playing a great floor game and was getting everyone involved,” sabi ni Durant na nagulat dahil hindi naglaro si Westbrook sa down the stretch.
Hindi naman naduplika ni Mavs forward Dirk Nowitzki ang 48 puntos nito sa Game 1 kaya naman kinapos ang kanyang 29 pts. para maglista sana ng 2-0.

“We made it a little tougher for him,” anya Durant na ang tinutukoy ay si Nowitzki.
Second top scorer sa Dallas si Tyson Chandler na may 15 puntos, 13 boards at isang assist habang pangatlo si point guard Jason Kidd na may 13 pts., seven assists at limang rebounds.
Ang game 3 ay ilalaro sa Oklahoma.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply