Max! Bond Sumos durog sa Cebu Gems

SUMAMPA sa 4-1 record tungo sa pagpantay sa Cobra Energy Drink ang Cebuana Lhuillier Gems sa pangunguna sa Group B ng tambakan ang Max! Bond Super Glue, 73-58, sa bakbakan sa PBA D-League Foundation Cup sa Trinity College Asia Gym noong Huwebes ng gabi.

Napatalsik sa playing court ang dalawang coaches na si Luigi Trillo at Pido Jarencio, at dalawa pang players ng magkabilang team sa pagtatapos ng first half ng laro.

Pansamantalang humalili si Eric Gonzales kay Trillo sa panalo ng Cebu Gems. Maagang umarangkada ang mga Cebuano sa 25-8 na abante sa unang quarter at tuluyang nilayuan ang Sumos hanggang sa pagrerehistro ng 61-47 sa pagtatapos ng third kanto.

Sina Pari Llagas, Allain Maliksi at Kevin Alas ay natuwang sa pagtutumpok sa 47 puntos sa pagpapalugmok sa koponan ni Coach Pido Jarencio.

Nauna rito, nasungkit ng Café France Scorpions ang kauna-unahang panalo sa loob ng anim na laro kasunod ng pag-alis ng pangil ng Junior Powerade Tigers, 85-83, para magpantay sa 1-5 record sa 17-composition ng Group B.

Sa Meralco Gym sa Pasig City gaganapin ang laro sa Martes sa pagitan ng Max! Bond Sumos at FCA Cultivators na kapwa tangan ang 3-2 slate na susundan ng banggaan ng Freego Jeans (2-3) at ng bumabanderang NLEX Road Warriors (4-1) sa Group A.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply