Max! Bond vs FCA Cultivators target ang 3rd place

SASABAK ang Max! Bond Super Glue kontra FCA Cultivators tungo sa pagkalas sa magkapantay na 3–2 slate na 3rd position sa Group B ng PBA D–League Foundation Cup sa Meralco Gym sa Pasig City ngayong Martes ng hapon, Mayo 17.

Debalde ang Sumos sa pagharap nila sa Cultivators dahil nasa ilalim ng one-game suspension ang head coach na si Pido Jarencio at ang beteranong forward na si Junjun Cabatu kaugnay ng gulong naganap sa laban nila sa top team na Cebuana Lhuillier Gems noong Sabado.

Sa panig ng Gems ay pinatawan din ng isang larong suspensyon sina coach Luigi Trillo at Ariel Mepana bukod sa multa sa kabuuang P64,500 sa dalawang coach at players na nasangkot sa kaguluhan.

Bukod dito, pinagmumulta rin ni PBA commissioner Chito Salud sina Reil Cervantes at sina Jonathan Semira, Alfred Mandani, Kelly Nabong at Jason Escueta ng tig-P5,000 sa pagpasok nila sa playing court habang nagkakagulo.

Si Narciso “Pari” Llagas ay napatawan din ng P5,000 multa sa pakikipagtalo sa mga players ng Gems habang nirerebesa ng game officials ang naganap na insidente.

Maliban dito, napatawan din ng P1,000 si Roel Hugnatan P1,000 at P1750 si Rudy Lingganay sa flagrant Foul penalty 1 at si James Ryan Sena ng Cebuana Lhuillier ng P1,750 kaugnay ng flagrant foul penalty 1.

Sa kasunod na laro ay maghaharap ang Freego Jeans laban sa NLEX Road Warriors sa Group A bandang alas-kwatro ng hapon. Radito Torres

Mga Laro Ngayon
(Meralo Gym)
2 ng hapon – Max Bond vs FCA
4 ng hapon – Freego Jeans vs NLEX Road Warriors

STANDINGS       W             L

GROUP A
NLEX                          4              1
PC Gilmore               4              2
Blackwater               3              3
Freego                       2              3
Pacific Pipes            2              4
Pharex                       2              4

GROUP B
C. Lhuillier               4              1
Cobra                         4              1
Max Bond                 3              2
FCA                             3              2
Maynilad                  3              3
Café France             1              5
Jr. Powerade          1              5

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply