Maxene deadma kina JC, Dominic

VERY vocal si Maxene Magalona  na masaya ang kanyang lovelife with her boyfriend na si Neil Arce. May balak na ba silang magpakasal?

“Not anytime soon. But definitely… I’m getting much older sooo..”

Her ideal age to get married.

“I don’t know but when the time comes na na-feel ko na pero preferably gusto ko 30 and I’m turning 25 this year.”

Bago kay Neil ay na-link ang pangalan ni Maxene kina Dominic Roco at JC Tiuseco…

“Wala po akong ever inamin dati,” ang natatawa niyang sinabi. “Never po kaming naging kami ni Dominic, never pong naging kami ni JC Tiuseco.”

Ano kaya ang reaksyon ng dalawang ito sa pagdi-deny ni Maxene sa kanila?

Pero ngayon nga ay in-love si Maxene.

“Opo meron po talaga akong boyfriend ngayon pero si JC tsaka si Dom never akong nagsabi ng kahit ano na naging kami.”

Si Neil lang ang inamin niya.

“Oo kasi he deserves to be acknowledged kasi he’s very, very nice and he takes good care of me and he makes me very, very happy.”
Sa tingin ba niya, mas okay ba ang non-showbiz BF?

“It doesn’t matter to me, even if you’re in the same field, even if you’re not. It’s always the personality that matters, kasi si Neil is also part of… he’s also in the limelight. His family owns Arce Dairy, he’s the number one poker player in the Philippines and he owns the Metro Card Club.

“So he’s very very, popular din in his own field so you know it doesn’t matter kung kilala ka o hindi, as long as you love each other and you take good care of each other,  that’s what matters.”

***

HAPPY ang lovelife ni Nadine Samonte. Ano ang sekreto at tumatagal ang relasyon nila ni Emerson Chua?

“Sekreto? Nagkahiwalay din naman kami e,” natawang panimula ni Nadine.

Pero nagkabalikan din sila; kaya paano niya na-handle ang anumang problema na pinagdaanan ng kanilang relasyon?

Umiyak ba si Nadine noong nag-break sila ni Emerson? “Siyempre!,” aniya.

Pero hindi siya nagtangkang magpakamatay gaya ni Iwa Moto?

“No! Hindi, kasi ikaw rin ang mahihirapan, tsaka masakit iyon, ah!”

Two weeks lang silang naghiwalay dati ni Emerson at kaagad nagkabalikan. Mag-a-anim na taon na ang relasyon nila. Sino ang mas nag-aalaga ng kanilang relasyon?

“Ako! Babae ako, dapat babae talaga e, babae ang magdadala nun, e.”

Selosa ba si Nadine?

“Medyo.”

Pinag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Hindi pa.”

Hindi pa ba nagpo-propose si Emerson? Hindi ba ito naiinip o nagmamadali?

“Hindi naman, pero may mga pahaging lang. Ano e, sayang ang trabaho e, kasi kung magpapakasal kami… trabaho muna.”

Si Nadine 23 at 25 si Emerson.

Nadine’s dream wedding.

“Sa church.”

Hindi beach?

“Ano e, sabi daw, nagkakahiwalay pag sa beach, sabi nila,” natatawang sagot ni Nadine.

***

BAGAMA’T baguhan pa lamang sa larangan ng showbiz ang sikat na sikat na Print and Television Model na si Teejay Marquez ay naramdaman agad ang lakas ng kanyang fan base.

Isang linggo lang niya sa showbiz, tatlong shows agad ang nakuha niya sa GMA-7 gaya ng “Master Showman…Walang Tulugan,” “Blusang Itim” at “Tween Hearts.”

“Thankful po ako kay Lord dahil sa  break na ito. Kaya naman gagalingan ko lalo at pagbubutihun ko pa,” sey ng ng gwapong bagets.

Ramdam ba niya na siya na ngayon ang television’s newest teen hearttrob after all these positive feedbacks he’s been getting?

“Naku overstatement po yan. Marami din naman mas higit na gwapo at talented sa akin. Hahaha! Pero I guess  its still a long journey. I don’t stop here at marami pa akong dapat patunayan,” sambit  pa ni Teejay.

Sa July 9 ay mapapanood si Teejay sa “Ang Gandaaaahhh” concert ng Zirkoh,Tomas Morato kung saan ay tampok din sina Melai Cantiveros, Jason Francisco. Bugoy Drilon, April “Congratulations” Gustilo at si Lemuel Santos.

***

FINISH na ang mga pa-tweetums kay Bea Alonzo. Ready na siya sa mga matured role at umaatikabong aksyon gaya ng bagong serye nila ni Robin Padilla sa ABS-CBN 2 na “Guns and Roses.”

“Kailangan n’yong abangan yung romantic scenes ng characters namin kasi parang sa gulo ng mundo nila, yung napi-feel ko ha, every time may moments na ganon, tumatahimik lahat, bumabagal lahat, nagiging makulay lahat. So sana yun ang lumabas sa mga episodes,” aniya.

Tsuk!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply