May halo bang mano-mano ang computerized na LTO?

ANG dami nang nagagalit sa Land Transportation Office.

Wala nang nakatitiyak kung ano talaga ang nagaganap sa opisinang ito na frontline pa mandin ng pamahalaan.

Computerized nga, ang bagal-bagal naman ang ilang serbisyo nito.

Halimbawa sa pagkuha ng bagong plaka. Drowing lang, mga Bro, ang sinasabi ng LTO na sa loob ng tatlong araw makukuha mo ito. Ang totoo, umaabot sa tatlo hanggang anim na buwan.
Magtanong pa kayo sa labas ng Metro Manila.

Kahit pa konektado sa computer ng LTO Central Office ang mga nasa probinsiya, hanggang anim na buwan talaga ang pagkuha ng mga plaka.

Pero mismo sa loob ng Metro Manila, mabagal din ang serbisyo ng mukha ng pamahalaang ito.

Halimbawa na lang ang karanasan ng isang bumili ng Toyota Vios sa Toyota Shaw, Mandaluyong City na ang naging sales agent niya ay si John Paul Maralit.

May Receipt No. 1g121629 ang transaksyon.

Anak ng tatlong tipaklong, magtatatlong buwan na noong Mayo 17, eh, wala pa ring plaka.

Tingnan ninyo, Pebrero 23 nang mabili niya ang Vios. Mayo 17, wala pa ring plaka!

Tingnan ninyo kung gaano kakupad ang LTO. O kaya ang Toyota Shaw sa pagpoproseso ng mga papeles para sa plaka.

oOo

Pero hindi lang sa plaka nagkakaroon ng makupad na pagkilos ang LTO.

May mga importer ng mga makina na may anim na buwan nang nakasalang sa LTO ang mga papeles.
Akalain ba nilang hanggang sa isinusulat natin ito, marami pa sa mga ito ang walang release paper.

Ang mga bumili, natetengga na at hindi nila magamit ang kanilang mga sasakyan. Nababalam ang pagrehistro ng mga sasakyan at siyempre pa, nagkakamulta-multa na ang mga ito.

Pero alam ba ninyo, mga Bro, ang isang dahilan ng pagkabalam ng mga makina at iba pang imported na mga bahagi ng mga sasakyan?

Kailangan mong magla-gay sa mga taga-LTO para pirmahan nila ang mga release. Walang ligal-ligal sa mga animal na korap diyan sa LTO. Ke ligal o smuggled ang iyong inim-port, kailangang magbigay ka ng salapi nang walang resibo.

Ganito ang sumbong ng ating uzi na nakararanas sa LTO ng sobrang delay ng release ng kanilang mga materyales.

Pnoy, ano ba ito?

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply