May ‘ulong gugulong’ sa BuCor mess

TINIYAK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na may masisibak sa paglabas-pasok sa kulungan ni dating Batangas Gov. Antoinio Leviste.

Ayon sa Pangulo, kailangan na lamang matukoy kung sino ang responsableng opisyal at kung ilan sila at agad na sisibakin.

Kanina ay hindi na ikinagulat ni Pangulong Aquino ang pansamantalang leave of absence ni Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Ernesto Diokno.

Inihayag ng Pangulo na labis ang kanyang pagkadismaya sa nasabing insidente sa New Bilibid Prisons.

Naiparamdam na umano niya kay Diokno ang kanyang pagkadismaya at pursigido na mapanagot ang nagkamali.

Kasabay nito, nais ng Pangulo na hindi na maulit ang anumang pagkakamali at magkaroon ng reporma sa Bureau of Corrections.

Pero sa nasabing reporma, hindi na umano nakasisiguro ang mga opisyal na nagkulang at pumalpak sa tungkulin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply