Maynila lugi sa batas na pabor sa Smart

SINO ang nakinabang nang ipagtibay ng panglungsod na konseho ng Maynila City Hall ang isang ordinansang garapal na pumapabor sa Smart Communications Inc.?

Ito ang tanong ng ilang matataas na lokal na opisyal ng lungsod, matapos aprubahan ng konseho na ilibre ang higanteng kumpanya ng Smart sa pagbabayad ng mga buwis sa sa lahat ng machinery at equipment at maging sa local franchise tax.

Ayon sa isang opisyal mula sa tanggapan ng Office of the Chief of Staff, mukhang “unconstitutional” at “disadvantageous” ito sa pamahalaang panglungsod, na naghihirap ngayon dahil sa kakulangan ng nakokolektang buwis.

Masamang “precedent” umano ito dahil maaaring igiit ng iba pang mga malalaking kumpanya na mabigyan din ng pabor na tulad ng ibinigay ng lokal na pamahalaan sa Smart.

Hindi rin umano malinaw kung ano ang basehan ng City Ordinance No 8229, na inakda ni Councilor Maria Sheila Lacuna-Pangan at inaprubahan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno, para bigyan ng special treatment ang Smart.

Pahayag naman ng isang opisyal mula sa tanggapan ng city administrator, masyadong malabo at “generalized” ang nasabing ordinansa.

Hindi umano malinaw kung ano ano ang dapat na ituring na saklaw ng real property tax, partikular na sa mga makinarya at kagamitan sa telecommunication operation.

“Bakit Smart lang ang pinaboran? Paano ang Globe Telecom?  Paano ang Sun? Paano ang iba pang mga telecommunication company, eh kung sila rin ay humingi ng exemption?” tanong ng isang opisyal.

Nabatid na pinagtibay ang ordinasa nitong nakaraang buwan. Ayon sa iba, sadyang itinaon ng mga nakinabang na wala si Manila Mayor Alfredo Lim, na nasa ibang bansa nang panahong iyon.

Sa kabila nito, nakalagay ditto na aprubado ito ng alkalde.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply