Maynila naghahanda sa panahon ng tag-ulan

INIHAYAG ni Manila City Mayor Alfredo Lim na naghahanda na ang lungsod para sa panahon ng tag-ulan.

Nauna nang iniutos ng alkalde sa mga department heads ang paglilinis sa lahat ng estero, kanal na dinadaanan ng tubig upang makatiyak na maaalis ang anumang basurang nakabara na magdudulot ng pagbaha kapag umulan.

Bukod dito, inatasan din nito si Atty. Analyn Buan, director ng Barangay Bureau, na magsagawa ng information dissemination sa bawat brgy. na magpatupad ng tamang pagtatapon ng basura at panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran.

Mahigpit ding iniutos ni Lim na dapat ireport at agad na aksyunan kung may nawawalang takip ng manholes, na magdudulot ng disgrasya sa mga nagdaraang tao at motorist.

Naniniwala si Lim na ang local government units (LGUs) ay dapat aktibong makibahagi sa pagresolba sa mga suliranin ng pagbaha, kahit saklaw na ito ng National Government.

Pinaalalahanan din ni Lim ang mga Director ng Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos Mother and Child Hospital, Ospital ng Sampaloc at  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, maging ang 53 health centers na maging handa sa posibleng pagdami ng kaso ng mga pasyenteng maapektuhan sa panahon ng tag-ulan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply