Mayor Lim binisita ng Pambansang Kamao

PERSONAL na binisita kanina ni 8 World title holder at kasalukuyang WBO Welterweight champion Congressman Manny Paquiao si Manila Mayor Alfredo Lim upang ipakitang handa siyang suportahan ang mga proyekto ng alkade sa lungsod at tuluyang pawiin ang hinalang may alitang namamagitan sa kanila.

Ayon kay Pacman, dinalaw niya ang Manila City Hall upang isulong ang pagkakaisa at iwaksi pansamantala ang pulitika upang maisulong ang kanyang kampanya laban sa kahirapan.

“Paano uunlad ang bayan. Paanong maiaahon sa kahirapan ang taong bayan kung walang pagkakaisa ani Paquiao?” ani Pacquiao.

Nilinaw naman ni Mayor Lim na wala siyang sama ng loob sa Pambansang Kamao dahil katunayan mula nang maging mayor siya ay anim na laban ni Pacman ang sinuportahan nito at ipinalabas sa anim na distrito ng Maynila nang libre para sa namamayan.

Sa pagdalaw ni Pacman sa city hall ay inihayag ni Lim na wala silang salungatan ng boxing champion dahil noon pa man ay batid niyang gusto niya na magkaroon sila ng  ugnayan  ni Paquiao bagamat may ilang sumasalungat dito.

Katunayan ay iginagalang nito ang posisyon ni Manny hinggil sa kontrobersyal na RH Bill bilang isang mambabatas.

Ayon kay Lim kanya-kanya ng prinsipyo ang bawat tao pagdating sa pagpaplano ng pamilya ganun din sa pagsuporta sa RH Bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply