Mayweather nagmaakawa sa fans

MINSAN pang nag-ingay si undefeated pound-for-pound champion Floyd Mayweather Jr. ngunit kaiba ang tinig niyang pinakawalan.

Kanina ay tila nagmakaawa siya sa fans na tangkilikin ang kanyang mga susunod na laban.

Balak niya kasing harapin si world champ Victor Ortiz sa mga susunod na buwan.

Ngunit hindi pa naisasapinal ang nabanggit na inaabangang bout na maaaring ganapin sa Cowboy’s Stadium.

Matapos batikusin ng fans nang laitin si Manny Pacquaio at pagbintangang gumagamit ng steroids, mistulang ginaya ni Mayweather si Oscar de la Hoya na humingi na ng paumanhin sa kanyang mga kaaway.

Kaiba naman ang ginawa ni Mayweather, nakiusap siya sa fans at ipinamalas ang pagmamahal sa mga ito.

“I just like the fans to come into my life, you know, come into my world, so they can be a part of me. You know what I’m saying?” tanong ni Mayweather.

Sinasabing ginagawa ni Mayweather Jr. ang nabanggit na tour upang kabigin muli ang fans na minsa’y tumalikod sa kanya nang siraan si Pacman at talikuran na rin ang negosasyon para makaharap ito.

“You know, if the fans go out and spend $69 dollars or $70 dollars to see me fight, of course I want to bring them into my world so they can be a part of me…I love the fans. I keep all the memorabilia that the fans give me,”

Sa pamamagitan ng pagbabandera ng mga memorabilia na bigay umano ng mga fans sa kanya, sinabi ni Mayweather na hindi niya maaaring kalimutan ang pagmamahal ng mga ito sa kanya.

Dahil sa mga ipinapakitang ito ni Mayweather, ipinalalagay ng mga kritiko na malaki ang posibilidad na humingi na rin ito ng tawad kay Pacman upang ibasura na ang kaso laban sa kanya at nang matuloy na ang negosasyon sa kanilang superfight na inaabangan na ng buong daigdig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply