Media iritado sa imbitasyon ng senador

NAGBABALAK nang iboykot ng media ang nakatakdang okasyon sa buhay ng isang senador dahil sa pagkairita ng mga ito sa mga hinihinging requirement ma-accredit lang sa naturang okasyon.

Ito kasi ang story telling: Nagtungo sa Senate Press Office ang staff  ng senador at namigay ng accreditation form at picture para sa okasyon ng kanyang boss.

Nag-imbita ang senador dahil ang dadalo sa kanyang okasyon ay mga artista at mismong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at tila gustong magpasikat ni senador para sa media coverage.

Sabi ng ating matang kuwago sa Remate, okey na sana ang paghingi ng picture para sa ID pass subalit ang ikinairita ng mga media  ay nang humingi ang staff ng senador ng acreditation letter mula sa kani-kanilang  media entity.

Biruin mo kaartehan di ba samantalang pag gusto ni senador na magpa–interview saan mang bahagi ng Senado lalo na sa Senate Press Office ay hindi naman ito humihingi ng media accreditation mula sa mga media entity.

Ano ba naman iyan samantalang kilala naman siguro ng staff ninyo senador lalo na ng Media Relation officer ninyo ang mga lehitimong Senate reporter at mga reporter na nasa industriya.

Para tuloy lumalabas na hawsyaw ang Senate reporters na inacredit naman ng Public Relation and Information Bureau  matapos na makatanggap sila ng certification or letter of acreditation mula sa mga media entity na pinanggalingan ng bawat reporter.

Gayundin iniinspeksyon nila sa media company kung talagang lehitimo nilang reporter ang isang nagpapaacredit sa kanila.

Kaya sa asar at irita ng ibang Senate reporter ay hindi na lang sila dadalo at iboboykot ang okasyon ni senador.

Ang naturang senador ay laging absent sa session na palaging dahilan ay mayroon siyang sakit.
Mahilig maghanap ng kaaway ang senador kaya pati ang taong nag-uuwi ng karangalan sa bayan ay nais pa niyang maka-one on one ng suntukan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply