Merci di pupwersahing tumestigo – Palasyo

WALANG balak ang Malakanyang na pilitin o puwersahin si outgoing Ombudsman Merceditas Gutierrez na tumestigo laban sa mga dating opisyal sa ilalim ng Arroyo administration na sangkot sa korapsyon.

Sinabi ni presidential spokesman Edwin Lacierda na payag ang Palasyo sa anumang magiging desisyon ni Gutierrez, pero hindi nangangahulugan na basehan na ito para mawala ang pagdududa nila sa nasabing opisyal.

“If she testifies, I think we will welcome (it). But we do not intend to force anybody. We think there substantial pieces of evidence for numerous cases already present,” ayon kay Lacierda.

Tikom naman ang bibig nito sa posibilidad na pambawi ni Gutierrez sa dating administrasyon ang pagtestigo nito sa kaso laban sa mga dati niyang nakasama sa Gabinete ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply