Merceditas Gutierrez kinasuhan sa DOJ

IPINAGHARAP ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) ngayong Lunes ng umaga, Mayo 9, ng iba’t ibang Party-list at cause oriented groups ang nagbitiw na si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Ang kaso ay hinggil sa kabiguan umano ni Gutierrez na aksyunan ang mga kasong may kaugnayan sa P728-million fertilizer fund scam.

Sa 10-pahinang complaint laban kay Gutierrez, inakusahan ito ng paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act Section 3(e), Obstruction of Justice, perjury at false testimony.

Kabilang sa mga naghain ng reklamo sina Anakpawis Representative Rafael Mariano; at iba’t ibang cause oriented group.

Iginiit ng mga ito na habang nasa pwesto, binalewala ni Gutierrez ang 40 report na inihain ng Task Force Abono na nag imbestiga noon sa  P728-million fertilizer fund scam.

Binigyang-diin ng mga complainant na mistulang prinotektahan ni Gutierrez ang mga opisyal ng pamahalaan na isinasangkot sa fertilizer fund scam kabilang na ang dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply