Merger ng PLDT-Digitel imbestigahan —PNoy

INATASAN ni Pangulong Benigno Aquino III ang pamunuan ng Department of Science and Technology (DOST) at National Telecommunications Commission (NTC) na imbestigahan ang pagsasanib ng mga kompanyang Philippine Long Distance Co. (PLDT) at Digitel sa posibleng paglabag sa batas sanhi ng bentahe nito sa sektor ng telekomunikasyon sa bansa.

Kinumpirma ni Pangulong Aquino na mayroong nakarating sa kanya na mga hinaing mula sa mga kompanyang telecom na posibleng magkaroon ng monopolyo ng pagsasanib ng PLDT-Digitel.

Binigyan-diin ng Chief Executive na sa ilalim ng kanyang administrasyon ay higit na binibigyan ng pahalaga ang interes ng publiko, partikular na ang mga nagmamantina ng telepono sa kanilang mga tahanan na direktang apektado sa naturang usapin.

Aniya, ang pagkakaroon ng maliit na kompetisyon ay magre-resulta lamang sa monopolyo ng ilang negosyante na nag-aari ng mga dambuhalang kompanya na sadyang hindi niya pinapaboran.

Inamin din ng Punong Ehekutibo ang hawak nitong dokumento na may kapal na kalahating piye na ipinadala ng mga kompanya na kabilang sa industriya ng telecom na naglalaman ng kanilang angal at protesta sa pagsasanib ng naturang mga kompanya.

Sinabi rin ni Pangulong Aquino na kanyang natutunan noong siya ay nag-aaral pa na ang pagkakaroon ng monopolyo ay hindi na kailangang mangyari dahil sa negatibong epekto nito sa publiko.

“I was in school when I was first taught that monopolies were inherently inefficient. At the end of the day, what will benefit most Filipinos should be the policy of this administration—should be and will be,” paniniyak pa ng Pangulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply