Meyor kulong sa pagbebenta ng mahal na gamot

KULONG ng mula anim hanggang sampung taon ang isang meyor matapos magbenta ng napakamahal na gamot.

Ayon sa Office of the Ombudsman, ipinanalo nila ang kaso matapos sintensyahan ng Sandiganbayan si dating Montevista, Compostella Valley municipal mayor Salvador S. Jauod, Sr., dahil sa pagbebenta ng napakamahal na gamot noong 2004.

Sa ulat, nilabag ni Jauod ang Section 3 (e) and (g) ng Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Sa 40-pahinang desisyon ni Associate Justice Jose Hernandez, bawal na ring humawak ng kahit anong posisyon sa gobyerno si Jauod kahit pa barangay tanod.

Inatasan ding magbayad si Jauod sa pamahalaang lokal ng Montevista ng P6,356,763.44 bilang danyos.

Nag-ugat ang kaso sa reklamo kung saan napatunayang pinaboran ni Jauod ang DMI Medical Supply na pag-aari ng isang Gina Marie Mendoza-Espejo, sa pamamagitan ng pagbili ng gamit na nagkakahalaga ng P9,999,973.40.

Natuklasang overpriced ng P6,356,763.44 ang mga biniling gamot matapos kunsiderahin ang price variance na 10%.

Sa ulat, mula October 2003 hanggang March 2004, dalawang beses bumili ng gamot ang Montevista at ang ginamit na pera dito ay galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Senator Ramon Revilla para sa “Botika ng Barangay” project.

Gayunman, hindi umano nagsagawa ng bidding ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) at hindi rin nagkaroon ng public bidding.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply