Mga artista, nagka-eyebags sa sobrang haba ng kwento ni bossing

NARANASAN n’yo na ba ang sobrang antok pero hindi kayo makatulog dahil sa istorbong lamok na panay ang bulong sa inyo? Well, I’m sure oo, di ba?

Ito ang nangyari sa grupo ng mga artistang inimbitahan ni Bossing para makisaya sa pagdiriwang ng kanilang probinsiya sa pagkakatatag nito.

Okey naman si BOSSING. Maganda naman ang trato niya sa mga bisita. Sa lafang na lang e, talagang bastante.

‘Yung iba nga raw ay tumira na ng Dulcolax para lamang guminhawa ang kanilang pakiramdam at lumambot ang naninigas nilang mga t’yan.

Pero ang makulit na lamok na sinasabi natin ay mismong si Bossing. Bakit kanyo? Aba’y tapos na ang okasyon. Ang lahat ay solve, kundi man sa mamam ay sa lafanggetch nga.

At naturalmente kailangan na nilang mamahinga. At ‘yung mga bisitang nanggaling pa sa malalayong lugar ay oras na rin para sila’y magsiuwi.

Ngunit itong si Bossing ay ayaw payagan ang mga taartits na humayo. D’yan lang daw muna sila.

Kung gusto nilang rumesbak sa pagkain at inuming alak ay oks lang, basta’t pirme lang sila sa balayzung niya.

Kasi nga, marami pa raw siyang ibibida.

Marami pa s’yang kwento.

So, wait galore naman ang mga talent. At bakit naman sila hindi maghihintay e, hindi pa inaabot sa kanila ang kanilang talent fee.

Nakatatawa nga raw tingnan ang mga bisitang artista dahil para na silang mga manok na siponin na patangu-tango ang mga ulo sa sobrang antok pero kailangan nilang makinig pa sa mga boladas ni Bossing.

‘Yong isang talent na naglakas loob na magpaalam kay Bossing at hingin ang kanyang TF ay nasabon lang ng una.

“Bakit kayo nagmamadali? Karangalan n’yo ngang makasama ako di ba?” ito raw ang dialogue ng bida natin.

Shock ang mga bisita at napanganga. Ha?! Karangalan pa pala nila ang mapuyat ng buong ningning dahil isang sikat na personalidad ang kanilang kaharap?

Giatay!

Well, kahit papaano yata ay tinablan naman ng konsensiya si kuya at napahiya yata sa mga manok na kanina pa nag-iingay sa katitilaok kaya sa wakas, pinawalan din niya ang mga visitors.

Hay…salamat! Hehehehe!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply