Mga artista sa ‘Temptation Island’ ginutom?

INIBUKO ng isa sa cast ng remake ng “Tempatation Island” na si Solenn Heussaff na tinipid sila sa pagkain habang nagsu-shoot ng movie sa Ilocos Norte kaya ang ending nagkagutom-gutom sila sa Isla.

Kahit na naturingan pa kasing sanay sa pagda-diet itong si Solenn dahil maliban sa pag-aartista ay isa rin siyang modelo ay umangal to death daw talaga ito sa panggugutom na ginawa sa kanila ng Regal Entertainment.

Well, sa aming pagkakaalam ay may nakalaang budget para sa catering ang producer ng said movie na si Mother Lily Monteverde. Baka naman ibinulsa ito ng taong pinagkatiwalaan ng Regal matriach.

Kaya pala may BFFT Pete A., kapansin-pansin sa trailer ng nasabing movie na halos walang ganang umarte ang mga artista rito. Kasi naman pala, nangangatog na sa gutom ang mga ito. Kalukring naman. Hahaha!

***

Dancer/actor natigbak ang career sa sobrang kaelyahan

BEFORE ay ang malditang aktress ang madalas na bumisita sa kuwarto ng kanyang anak na young dancer-actor. Then sinundan ito ng youngstar na napapabalitang nagpapa-booking, tapos ang controversial na young mother actress naman na wala ring palya sa pagpunta sa kanyang papang actor na bongga raw ang notes.

Ang latest na kadyugdyugan naman ng kanyang anak ay ang morenang youngstar na anak ng retired na sa showbiz na actress. Lihim na lang daw na napapangiti ang bading na fadir ni young actor sa kalandian ng mga babae sa kanyang mahilig na anak.

Ang nakakalokah, pati pala ‘yung flawless na young sexy actress na may kapatid na artista din ay naging siyota rin for a while ng magaling sumayaw na actor. At napaka-eskandalosa raw nito sa tuwing nakikipag-churvahan dahil abot hanggang salas ang halinghing nito.

Ang tahimik na tahimik daw habang nakikipaglampungan kay young actor ay ang young actress na nali-link ngayon sa isang Kapamilya TV host/actor. Zinolala ang actor-dancer na itech?

Well, you better ask Rainier Castillo at kabarkada niya ito. ‘Yun na gyud! (No wonder, wala na siyang career dahil puro kaelyahan ang inaatupag. Cadaveric na pati and has become old and wasted before his time. – Ed)

***

Claire dela Fuente magiging mentor sa bagong singing talent search ng GMA 7

KUNG kasikatan ang pag-uusapan hindi lang dito sa Pinas kundi sa iba’t ibang panig ng mundo ay kasama sa listahan ang pangalan ng ating Global Artist na si Ms. Claire dela Fuente.

At dahil sa kanyang hindi pa rin kumukupas na popularidad ay hayan at kinuha si Ms. Claire ng GMA 7 para maging isa sa mentors ng bagong Singing Talent Search na bubuksan sometime in July. Ayaw pang i-reveal ni Ms. Claire kung ano ang talagang konsepto ng show na sasalihan na baka pati ang nag-aartista nitong anak na si Derex dela Fuente ay mapabilang rin dito.

Happy pala ang sikat na Viva Recording artist/entrepreneur dahil naging successful rin siya sa bagong larangang pinasok, ang pagma-manage ng mga artista. At hindi siya nabigong pasikatin ang kagaya nina Bela Padilla at Sam Pinto. Ilan pa sa mga talents ni Ms. Claire ay sina Meg Imperial na mainstay ng Midnight DJ at Bagets sa TV 5 at ang daughter ng mag-asawang Raquel Montessa at Jun Soler na si Maffy Soler. So far, may iba pa siyang hawak at may plano siyang ipakilala ito sa press in the near future.

By the way, ang title pala ng show na part si Ms. Claire ay “The Protege” at mag-uumpisa na ito this coming July.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply