Mga bangus sa Talisay nangamatay

UMABOT ng halos 500 metriko tonelada ng bangus ang naitalang namatay sa Talisay, Batangas bunsod ng fish kill na nagaganap sa naturang bayan.

Nabatid kay Talisay Mayor Zenaida Mendoza, umaabot na ng halos 500 metriko tonelada ng bangus ang namatay simula kahapon.

Kaugnay nito, kaagad na binawi ng lokal na pamahalaan ang posibilidad ng paglalason sa ilog dahil buhay ang ibang uri ng isda sa dagat.

Posible umanong nakaapektado ang ulan at ang aktibong aktibidad na naitatala sa Taal volcano.

Inaasahang gagawing pataba na lamang ang mga nangamatay na isda upang mapakinabangan pa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply