Mga kaso vs BoC paninira lang – DoF

ITINUTURING ni Finance Secretary Cesar Purisima na paninira lamang ang pagsasampa ng mga kasong graft laban sa ilang empleyado ng Bureau of Customs (BoC).

Sinabi ngayon, Lunes, ni Purisima na bagama’t hindi pa niya nababasa ang nasabing balita ay pina-check na niya sa mga abogado ng pamahalaan kung mayroon ngang isinampang graft charges laban sa kanya sa Tanggapan ng Ombudsman.

“So far wala namang feedback. Alam n’yo po, kung ang charge ay pinapatuloy natin ang smuggling, alam n’yo naman nagpa-file tayo ng kaso every two weeks against smugglers. ‘Yan po ang ating goal—mabawasan ang smuggling dito sa ating bansa,” ang pahayag ng Kalihim.

Noong nakaraang linggo ay nagsampa siya ng kaso laban sa isang oil company dahil bahagi ng kanyang trabaho ang sugpuin ang oil smuggling.

“Sa palagay ko po smear campaign lang ‘yan—their efforts to stop our program to reduce smuggling. Nagge-gain traction na po ‘yan. Ang ating collection ay mataas for the first quarter—we’re up 22 percent,” anito.

Tumaas na umano ang koleksyon ng Customs dahil tinututukan ng BoC ang mga smuggler.

“Nag-improve ang tax collections despite nabawasan po ‘yung mga duties. So focused po tayo sa instructions ni Pangulong Aquino na bawasan ang tax evasion kung hindi natin masugpo or bawasan ‘yung smuggling, if we cannot completely eliminate this quickly,” ayon kay Purisima.

Ani pa niya: “Wala naman po tayong tinatago at lahat po ay ifo-focus natin para matulungan po si Pang. Aquino na mag-increase po ang ating revenue, mabawasan ang deficit para po matulungan natin ang mga kababayan natin, mabawasan po ang kahirapan sa ating bansa.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply