Mga litrato ang ipinapaskil sa mga project ng gobyerno

ISA sa mga mahihigpit na ipinagbabawal sa gobyerno ni Pang. Noynoy Aquino  ang pagpapaskil ng mga litrato ng mga politiko sa mga government project.

Pero ibang klase itong isang congressman sa Eastern Samar,  tila hindi na yata tinatablan ng hiya ang ma-mang politiko na ito. Kahit may kautusan na galing sa Malakanyang ay patuloy pa rin niyang inilalagay ang kanyang litrato sa mga proyekto ng gobyerno.

Ang tinutukoy na congressman  ng ating text tipster ay si Cong. Evardone.

Kahit daw kanal lang ang proyektong pang-gobyerno  ay nakalagay din daw ang litrato ng nasabing solon.

Hindi na nahiya sa kanyang mga kababayan na alam na alam na proyekto ang mga ito ng gobyerno.

Kung magagawi raw kayo sa Eastern Samar, sa mga highway raw sa lalawigang iyan ay tadtad ng mukha ni Cong. Evardone.

Daig pa raw ng mamang kongresistang ito ang taga-showbiz sa dami ng mga litrato nitong nakapaskil sa mga kalsada.

Ano ba yan, Cong. Evardone, hindi po ba kayo kinikilabutan sa inyong sarili?

Pera ng gobyerno o nang taumbayan ang ginastos sa mga proyektong pinapaskilan ninyo ng inyong litrato.

LOTENG , BOOKIES SA EPD, UNTOUCHABLE

Hindi talaga mapatigil ang operasyon ng loteng at bookies ng karera nina Cris at Rose sa Bagong Ilog, Pasig, San Juan, Mandaluyong at may konti sa Antipolo.

Habang namamayagpag ang loteng at bookies ng karera nina Cris at Rose ay para namang imbudo sa pagsalok ng ‘intelihen-siya’ang moneybag ni EDP Dir. Gen. Francisco Manalo na si Maj. Tuliao.

Si Maj. Tuliao ang eng-kargado ng DIID ni Gen. Manalo.

Ang lahat ng transaksyon na may kinalaman sa mga “parating” ay si Maj. Tuliao ang nakikipag-cashhhhunduan sa mga GL.

oOo

Anomang reklamo o puna, itext lang sa 09189274764, 09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply