Mga lokal na opisyal na lalabag sa batas sa basura parurusahan

BINALAAN kahapon ng kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local chief executives na papatawan sila ng parusang administratibo kapag lumabag sa R.A. 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, partikular sa pagbabawal sa operasyon ng open dumpsites.

Nanawagan si Secretary Jesse Robredo nang makatanggap ang DILG ng  impormasyon na ang ilang local government units (LGUs) ay nag- operate pa rin ng open dumpsite facilities  sa kabilang ng kautuosan na ipinalabas hinggil sa pagtalima sa solid waste management law.

“You are urged to strictly observe the provisions of RA 9003 and other related laws and issuances on solid waste management  and local execs who fail to enforce and implement the provisions of the said law will face administrative sanctions in accordance with the Local Government Code and other existing rules and regulations,” dagdag ng Kalihim.

Sa Section 37 ng RA 9003 ay nagbabawal sa paggamit ng open dumps ng solid waste at conversion ng  open dumps sa kontroladong tapunan ng  basura sa loob ng tatlong taon matapos itong isabatas.

Base rin sa nasabing batas, walang  controlled dumps na pinapayagan sa loob ng  limang taon kasunod ng pagsasabatas nito.

Pinadalhan na rin ng liham ni Robredo si  Mayor Ryanh Dolor ng  Bauan, Batangas at hinimok na agad  resolbahin ang problema sa solid waste management sa  kanyang munisipalidad at ipasara ang pasilidad ng dumpsite, na matatagpuan sa Barangay Sinala ng nasabing bayan.

“Please facilitate the immediate closure of your controlled dumpsite facility, otherwise we shall be constrained to refer this matter to the Office of the Ombudsman pursuant to Section 50 of RA 9003,” saad pa niya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply