Mga pangunahing dam binabantayan dahil kay ‘Chedeng’

PATULOY na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga pangunahing dam sa Luzon bunga na rin ng nakaambang malakas na pagbuhos ng ulan na idudulot ng bagyong “Chedeng.”

Gayunman, sinabi ni Pagasa senior forecaster Robert Sawi, ang mga dam ay nasa below spilling level kahapon (Mayo 24) ng umaga.

Bunsod nito, magpapalabas ng paalala ang Pagasa kung kailangang pakawalan ang tubig sa dam kapag bumuhos ang ulan na dulot ni Chedeng.

Mababa pa at nasa ligtas na level pa ang tubig sa major dams kahapon: Angat; ang tubig ay 191.47 meters, sa ibaba ang spilling level ng  210 meters; Ipo: 99.63 meters, below spilling level ng 100.87 meters; La Mesa: 79.74 meters, below spilling level ng 80 meters; Ambuklao: 751.95 meters, below spilling level ng 752 meters; Binga: 571.90 meters, below spilling level ng 575 meters; San Roque: 232.04 meters, below spilling level ng 280 meters; Pantabangan: 180.91 meters, below spilling level of 221 meters; Magat: 187.04 meters, below spilling level ng 193 meters; Caliraya: 286.5 meters, below spilling level ng 288 meters.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply