Mga parte ng katawan ng tao natagpuan sa CDO

APAT na kahon na puno ng chop-chop na mga parte ng katawan ng tao ang natagpuan malapit sa isang septic tank sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa ulat, napansin ng barangay tanod ang naturang mga kahon na nakalagay sa isang trash bag. Nakabalot umano ito ng maayos at kaagad ipinagbigay alam sa pulisya.

Patuloy naman inaalam ng Cagayan Police kung sino ang salarin sa naturang krimen.

Laman ng kahon ang dalawang pares ng mga kamay, apat na pares ng mga paa, dalawang balikat at mga laman loob ng tao.

Hinihilarin naman ng pulisya na galing ito sa isang medical school at malamang umanong ginamit ito ng mga estudyante para pag-aralan.

Ipinag-utos naman ng lokal na pamahalaan ng lungsod ang masusing imbestigayon sa naturang kaso para malaman ang dapat managot at magbigyan hustiya ang mga biktima.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply