Mga pasahero sa Bicol stranded dahil kay ‘Chedeng’

STRANDED ang mga pasahero sa iba’t ibang pantalan sa Bicol dahil sa paparating na bagyong Chedeng.

Batay sa ulat mula sa Philippine Coast Guard District-Bicol, umaabot na ngayon sa mahigit 600 mga pasaherong patungo sana sa kanilang mga destinasyon na ang stranded.

Kabilang sa mga pantalang ito ay ang Bulan at Pilar, Sorsogon, Tabaco City at Virac, Catandunes.

Maliban pa ito sa sampung (10) mga bus, 22 trak  at ilan pang maliliit na sasakyang pandagat.

Inaasahang lolobo pa ang naturang bilang sa mga susunod na oras.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply