Mga sekyu nagbarilan, 1 patay

NAGKABARILAN ang ilang security guard umaga ng Biyernes, Mayo 13, na ikinasawi ng isa habang isa pa ang sugatan sa Luna, Lapaz, Iloilo.

Ang biktima ay nakilalang si Jasper Aguilar, 32, residente ng Dungo B. Jaro, Iloilo na idineklarang patay dakong alas siyete ng umaga sa West Visayas State University Medical Center.

Tadtad ng tama ng bala sa dibdib ang biktima at tinamaan ang baga nito dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Patuloy ding nilalapatan ng lunas ang guwardiyang si Ronnie Ordo, residente ng Bryg. Balabag, Pavia, Iloilo.

Samantala, nakilala ang mga suspek na sina Melvin Laruan at Dary Senilyo, pawang mga guwardiya at kasalukuyang nakapiit sa kulungan.

Batay sa imbestigasyon, lasing umano ang mga suspek nang sitahin ni Aguilar ang mga ito. Nagalit ang mga ito at binaril ang biktima. Sinubukan namang gumanti ng isang saksing guwardiya na si Resner Jun Balboa subalit hindi pumutok ang kanyang service firearm.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply