Mga senador hati sa imbestigasyon sa kaso ni Leviste

KAMAKAILAN lamang ay inirekomenda ni Sen. Gregorio Honasan na magkaroon ng parallel na imbestigasyon ang Senate Committee on Justice hinggil sa paglabas-masok ni dating Batangas Gov. Antonio Leviste sa Bilibid.

Samantalang nagpahayag naman si Senate Justice Chairman Sen. Chiz Escudero na walang balak ang kanyang committee na mag-imbestiga sa ibinigay na special treatment kay Leviste.

Ayon kay Escudero hindi na nararapat na mag-imbestiga ang senado hinggil dito dahil mayroon na umanong binuong fact finding body ang Department of Justice base sa kautusan ni DOJ Secretary Leila de Lima.

Binalaan naman ni Escudero si de Lima na dapat may managot sa pamunuan ng Bureua of Corrections sa gagawing pag-imbestiga.

Hindi ang kaawa-awang jail guard lamang ang maparusahan sa insidente dahil hindi umano kaya ng isang guwardiya na magpalabas ng isang preso kung walang pahintulot sa matataas na opisyal.

Pinangangambahan naman ng ilang grupo na kahit mayroong rekomendasyon ang DOJ para tanggalin ang ilang matataas na opisyal ng National Bilibid Prison ay hindi ito sundin ng Malakanyang na siyang may kapangyarihan ng magtagal sa mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply