Mid-year bonus ng mga teacher ninakaw sa Cagayan

TINANGAY ng mga holdaper mula sa isang district supervisor ang may P650,000 cash na pang-mid-year bonus ng mga guro sa Solana, Cagayan.

Ayon sa pulisya, kinilala nito ang biktima na si Cliford Ballejo, may-asawa, district supervisor ng Western Solana, Cagayan.

Nabatid na matapos makuha ni Vallejo ang pera sa Tuguegarao ay sumakay ito sa isang pampasaherong van.

Nang makarating sa Brgy. Sampaguita sa bayang nabanggit ay bumaba ito sa harapan ng Sampaguita Elementary School para ipamigay na sana sa mga teachers ang bahagi ng kanilang mid-year bonus.

Ngunit bigla nalamang may humintong motorsiklo sa harapan nito sakay ang dalawang salarin kung saan tinutukan siya ng baril at saka nagdeklara ng hold-up.

Nabatid pa na dahil sa takot ay ibinigay na lamang ni Vallejo ang bag sa mga suspek.

Patuloy pang hinahanting ng awtoridad ang dalawang hindi pa nakikilang mga holdaper.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply